Zendee “Random Girl” muling bumisita sa Pinas FM 95.5!

Zendee T-3
Matatandaang nakilala si Zendee bilang random girl na kumakanta sa isang mall, at sa hindi inaakalang pagkakataon siya ngayon ay isa ng hinahangaang Music Artist, matapos ma i-upload ang kaniyang video na naging viral sa youtube ay biglang umusbong ang kaniyang career at naimbitahan sa Los Angeles para sa programa ni Ellen DeGeneres.
Para sa kaalaman ng lahat, ayon mismo sa kanya siya daw ay napadaan lang sa isang store sa mall, at na-challenge na kumanta, kaya naman hiniram niya ang mic at kumanta, tinanong pa daw ng Manager ng store kung siya ay bibili, ngunit sa kagustuhang kumanta, inalok nito ang customer na siya na lang ang
magte-testing ng kanilang mic na bibilihin. Si Zendee ay nanalo din sa isang singing competition na “Gensan Pop Idol” noong 2011.
Sa pagbisita sa atin ni Zendee ay baon nito ang kaniyang bagong album para iparinig sa atin mga ka-Pinas! Ang “Z” na may siyam tracks at isa dito ang “Habang Kayakap Ka” na themesong  ng “Stairway to Heaven”.  Dito lang yan sa tahanan ng OPM ang Pinas FM 95.5, Mas Masaya Dito!
(written by Amabelle Lopez, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Dexter Magno)

You may also like...