Sponge Cola sa Pinas FM 95.5

Bumisita ang bandang Sponge Cola sa Pinas FM 95.5 na pinangungunahan ng vocalist na si Yael Yuzon, lead guitarist Erwin Armovit, bass guitarist Gosh Dilay at Ted Cruz na drummer ng grupo.

Espesyal ang pagbisita ng  Sponge Cola dahil tatlo sa kanta nila ay inawit ng live sa Pinas FM 95.5.

Nagmistulang ‘mini concert’ ang kanilang pagbisita dahil kinanta nila ang dalawa sa mga hit songs nila na “Kunwari” at “Tuliro” na mula noon ay sikat na sikat na sa mga Pinoy.

Inawit din nila ng live ang kanilang bagong single na “Meron Ba?” na maaari nang mapakinggan sa Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon at iba pang digital streaming websites nationwide.

Para sa latest updates sa  Sponge Cola, i-follow natin ang kanilang social media accounts:

Facebook:  Sponge Cola

Twitter: @sponge_cola

Inst @sponge_cola

(written by Grace Era P. Cruz, photos captured and edited by Abrah Ann Subaria)