“Sana Naman” ng Clique 5 sa Pinas FM 95.5

Fun na fun na nakipagkulitan sa atin ang boy group na Clique 5 sa Pinas FM 95.5 with DJ Rapido.

Bumisita sila para i-promote ang kanilang latest single na “Sana Naman” na mapapakinggan na sa Youtube.

Ayon pa sa 8-member boy group, ang ibig sabihin ng Clique 5 ay “A small group of people with shared interest and 5 is just a symbol of balance.”

Matagumpay¬† na naisagawa ang kanilang concert na “This Is Me: All Out Concert: Clique V and Belladonnas” noong February 23, 2019 na ginanap sa Sky Dome.

Para sa mga karagdagang updates, i-follow lamang sila sa kanilang mga official social media accounts.

Instagram: @clique5official
Facebook: Clique5

(written by Claudine Flamenco,  photos captured by MJ Mayoralgo)

You may also like...