Sam Milby sa Pinas FM 95.5

Mga Ka-Pinas muli nating naging panauhin ang isa sa mga hinahangaang aktor na si Sam Milby.

Para sa mga matagal na nag-abang at nag-request, the long wait is over dahil sa darating na December 25, 2018, ipalalabas na sa lahat ng sinehan sa buong kapuluan ang “Mary, Marry Me the Movie” bilang opisyal na entry ngayong taon sa Metro Manila Film Festival.

Mula sa  2017’s MMFF multi-awarded film, Siargao, inihahandog ng Ten17P ngayong 44th Metro Manila Film Festival, mula sa produksyon ng TINCAN, ang dream-come-true motion picture featuring the royal celebrity siblings and now, the silver screen sisters na sina Toni and Alex Gonzaga with the blockbuster leading man na si Sam Milby.

Kasama nila sa proyektong ito sina Melai Cantiveros, Moi Bien, at Bayani Agbayani; Sa direksyon ni RC delos Reyes.

Tiyak na tayo ay mapapa-YES ka sa katatawanan at mapapa-I DO ka sa kakiligan sa pelikulang ito.

Manatiling updated sa movie at mismo kay Sam Milby, i-follow ang mga sumusunod na social media accounts:

Facebook: @officialsammilby
Instagram: @samuelmilby
Twitter: @samuelmilby

(written by MC Ganancial, photos captured by Abrah Ann Subaria)

You may also like...