“One More Try” ni Mark Bautista sa Pinas FM 95.5

Isang warm welcome ang inihandog ng ating mga ka-Pinas kay Mark Bautista sa Funbansang Hapon kasama sila DJ Apple at DJ Rapido.

Ibinahagi niya ang mga naging karanasan niya sa isang musical play bilang si Former President Ferdinand Marcos na ginanap sa London noong 2014 at sa Seattle noong 2017. Sobrang nakakahanga naman talaga ang mga kaganapan sa buhay ng ating ka-Pinas na si Mark.

Proud din niyang ibinahagi nang mapili siya na makasama sa isang original Pinoy musical na “Eto na! Musical naAPO!”, mga kantang pag-aari ng sikat na Apo Hiking Society, kasama sina Rita Daniela at Marika Sasaki noong February hanggang March 2019 sa Globe Auditorium.

Abangan din ang bagong single ng ating idol na ire-release sa taong ito ng 2019. Ayon kay Mark, ginawa nila and kantang ito four years ago, ngunit ngayon lang nila naisipang ilabas dahil ito na ang tamang timing para ibahagi ito sa publiko. Ang One More Try na song ang binigyang buhay muli ni Mark kasama si Andrew E.

Suportahan po natin ang One More Try available na sa Spotify at iTunes, mapapanood din ang music video sa kaniyang YouTube channel.

Para sa latest updates sa buhay ni Mark, i-follow natin ang kaniyang social media accounts:

Facebook: Mark Bautista

Instagram: @iammarkbautista

Twitter: @iammarkbautista

YouTube: Mark Bautista

(written by Aquiline B. Gambe, edited by Abrah Ann Subaria)

You may also like...