“Nasaan Ka Na” ni Aerone Mendoza sa Pinas FM 95.5

Isang gwapong fun-nauhin na naman ang bumisita sa atin mga ka-Pinas!

Siya ay walang iba kundi ang 3-time defending champion sa Tawag ng Tanghalan na si Aerone Mendoza.

Na ngayon ay isa ng recording artist sa Viva Records.

Naka-throwback kwentuhan natin si Aerone sa Funbansang Hapon with DJ Apple & DJ Rapido.

Masaya niyang ibinahagi sa atin ang kaniyang kauna-unahang single at self-composed song na “Nasaan Ka Na”. Ayon kay Aerone, nabuo niya ang kantang ito dahil sa ex niyang sinaktan siya.

Maaari na itong mapakinggan sa iba’t-ibang digital streaming sites tulad ng Spotify at Youtube.

Inaanyayahan niya rin tayong i-subscribe ang kaniyang Youtube channel para mapakinggan ang iba’t-iba niya pang song cover at vlogs.

I-follow lamang siya sa kaniyang official social media accounts para hindi mahuli sa mga updates at upcoming schedule ni Aerone.

Facebook: @AeroneMendozaOfficial
Gmail: [email protected]
Instagram: @mendozaaerone
Youtube: Aerone Mendoza

(written by Claudine Flamenco, photos captured by Mutya Clarisse Ganancial)