“Nag-iisa” ni Shanne Dandan sa Pinas FM 95.5

Nakasama at nakakwentuhan natin mga ka-Pinas ang singer/songwriter na si Shanne Dandan kasama si DJ Apple Chiu.

 

Unang nakilala si Shanne sa pagsali nito sa The Voice Kids Philippines bilang bahagi ng Team Lea. Siya rin ang nitinanghal bilang grand champion sa Born To Be A Star ng TV5.

Inaanyayahan tayo ni Shanne na suportahan ang kanyang bagong single na pinamagatang “Nag-iisa” na siya rin ang sumulat.

Maaari niyo na itong mapakinggang sa Spotify at iTunes, mapapanuod na rin ang music video nito sa YouTube.

Sundan ang social media accounts ni Shanne para sa iba pang mga updates:

Facebook: @shanneglyndel
Instagram: @shannedandan
Twitter: @dandanshanne
YouTube: Shanne Dandan

(written by Marvin C. Pacog, photos captured by Lovely Ann Cruz)