Mr. Nonoy Zuñiga sa Pinas FM 95.5

Isang mainit na pagtanggap kay Mr. Nonoy Zuñiga ang bumungad mula sa ating mga Ka-Pinas! Sa muling pag-imbita ng Pinas FM kay Mr. Nonoy Zuñiga, masayang nakapanayam ni DJ Rapido ang batikang mang-aawit.

Makalipas ang nagdaang mga taon, maghahatid siyang muli ng mga bagong karanasan at kuwento sa kaniyang career. Kasama narin dito ang pagbabahagi sa atin ng mensahe sa kaniyang awiting pinasikat na pinamagatang “Doon Lang”.

Isang malaking biyaya para kay Mr. Nonoy ang pagpapatuloy niya sa pag-awit. Bilang isa ito sa kaniyang profession, marami ding pagsubok ang kaniyang pinagdaanan para makamit ang kaniyang tagumpay.

Kaya naman sa hinaba-haba ng panahon, nagsagawa si Mr. Nonoy Zuñiga ng solo concert na pinamagatang “Through the Years”, nakasama niya ang ilang mahusay na musikero.

Marami pang dapat pakaabangan kaya’t ating tunghayan si Mr. Nonoy sa kaniyang social media account:

Facebook: Nonoy Zuñiga

(written by MJ Mayoralgo, photos captured by Rein Cabalic, edited by Abrah Ann Subaria)