Mr. Ian Veneracion sa Pinas FM 95.5

Binisita tayo sa Pinas FM 95.5 ang isa sa mga ini-idolo at hinahangan ngayon sa mundo ng showbiz at tunay naman na kinakikiligan pa rin talaga hanggang ngayon, walang iba kundi si Mr.Ian Veneracion.

Mula sa pagiging child star hanggang sa pagiging ganap na multi-awarded actor ay handa na siyang sumabak sa mundo ng pag-awit.

Para sa darating niyang concert ngayong July 2019 ito ay pinamagatang “Ian In Color” concert.

At ito ay gaganapin sa Music Museum sa Greenhills San Juan, mula July 11 at 12, 2019.

Kasama ni Mr.Ian Veneracion sa kaniyang concert ang mga special guests kasama sina Mr. Ogie Alcasid at si Ms.Regine Velasquez

Para sa mga latest updates abangan si Mr. Ian Veneracion sa kaniyang mga social media accounts:

Facebook: @StephenIanVeneracion

Instagram: @ianveneracion1

(written by Jarylle Victoriano, edited by Lovely Ann Cruz, photos captured by Marie Shelanie Flores)

 

 

You may also like...