“Miss” bagong single ni Martin V. sa Pinas FM 95.5

Naka-jamming natin muli ang singer at song writer na si Martin V. sa Funbansang Hapon with DJ Apple sa Pinas FM 95.5

Huli nating nakasama si Martin V. noong nakaraang taon para i-promote ang kanyang kauna-unahang single at ngayon naman nakasama natin siya upang ihatid sa atin ang kanyang bagong awitin na pinamagatang “Miss” na siya mismo ang sumulat.

Binahagi ni Martin V. na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang maka-collab sina James Reid, John Roa, at sa rap naman ay si  Shantidope.

Maaari na nating i-request ang awiting “Miss” sa Pinas FM at i-download sa iba’t-ibang digital music  platforms tulad ng Spotify, Apple Music at iTunes.

Para sa latest updates sa buhay ni Martin V., i-follow natin siya sa kanyang social media accounts:

Facebook: Martin V.

Instagram: @martinvenegas08

Twitter: @sy_venegas

(written by Abrah Ann Subaria, photos captured by Mary Jeleia Mayoralgo)

You may also like...