Maymay Entrata at Edward Barbers dito sa Pinas FM 95.5

Panibagong saya na naman ang hatid namin sa inyo mga ka-Pinas dahil sa ating mga espesyal na bisita na sina Maymay Entrata at Edward Barbers dito pa rin sa inyong paboritong OPM FM station, ang Pinas FM 95.5.

Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng oportunidad na kanilang natanggap sa pagpasok ng bagong taon, isa na nga rito ang kanilang mga bagong single.

Hatid sa atin ni Maymay ang kanyang bagong single na ‘Kakayanin Kaya’ at ‘No One Else’ naman ang handog na awitin sa atin ni Edward na parehong available na sa Spotify at iTunes nationwide.

Dapat nating abangan ang music video ng kanilang mga single na kanilang ilalabas. Dagdag pa ng dalawa, sinusubukan na rin nila ang pagsusulat ng mga awitin,

Gumagawa ngayon ng ingay sa kanyang modeling career ni Maymay, kabilang na rito ang pagiging bahagi niya sa Arab Fashion Week kamakailan bilang isa sa mga muse ng designer na si Furne One na ginanap sa Dubai.

Sundan sila sa kanilang social media account para laging updated sa kanilang mga gagawing proyekto.

Instagram:

@maymay

@edward_barbers

(written by Marvin C. Pacog)