“Kaya Mo” ni Mark Bautista sa Pinas FM 95.5

Mark Bautista 2016-1

Isang singer and actor at ngayon ay composer na rin ang ating nakasama dito sa Pinas Fm walang iba kundi si Mark Bautista.

Sa kaniyang pagbisita ay ibinahagi niya atin kung paano nabuo ang kaniyang latest single na “Kaya Mo” at kung sinu-sino ang mga artists na kumanta nito.

 

Ang kantang “Kaya Mo” ay isang inspirational song na hindi lang para sa ating bansa, para rin ito sa mga taong dumadaan sa isang matinding pagbusok sa buhay. Isinulat niya ito noong kasagsagan ng election.

Ayon sa kanya, una niyang nagawa ang music bago ang lyrics. Nai-record niya ang tono ng chorus part at nagpatulong siya sa kaniyang pinsan na marunong maggitara na mabuo ito.

Mark Bautista 2016-4

Ayon pa kay Mark, ang isa sa mga kumanta ng compose niyang ito ay ang kaniyang kaibigan na si Rico Blanco. Binantayan niya lahat ng nangyayare mula sa recording ng mga artists hanggang sa pagshoot ng music video nito.

Mark Bautista 2016-3

Para kay Mark napaka sarap na feeling na kinakanta ng artists ang kaniyang compose. At muli, ipinopromote niya ang kaniyang bagong single na “Kaya Mo” featuring Rico Blanco, James Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman, Donnalyn Bartolome, Thyro Alfaro , Yumi Lacsamana ,at Shehyee.

Mark Bautista 2016-6

Maari na itong mapakinggan sa Spotify and iTunes at pwede na rin mapanood ang music video sa YouTube.

For more updates just check his social media accounts:

Facebook: Mark Bautista

Twitter: @iammarkbautista

IG: iammarkbautista

(written by Caren Angela Oliveros, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Krizia Benesio)

You may also like...