Jo.e muling bumisita sa Pinas FM para sa kanyang bagong single na “Konsepto”

Muling naparito sa Pinas-FM si Jo.e upang maghatid ng mga bagong awitin na kaniyang inihanda. Kasama na rito ang kaniyang new single na “Konsepto.”

Isinulat ni Jo.e ang mala-hugot na awiting ito para sa mga taong luhaan at sa mga sawing pag-ibig. Bahagi pa niya ang ilang kwento sa likod ng awiting ito kung ano ang totoong konsepto ng pag-ibig.

Perfect ang song na ito para sa mga taong second priority sa buhay at ipinababatid ng awitin na kahit anong mangyari ay magiging ayos lang tayo sa lahat ng oras.

Ating abangan ang mga sumusunod na heartbreaking songs na kaniyang ilalabas para sa kaniyang next album na ating mapapakinggan. Lubos na nagpapasalamat si Jo.e sa lahat ng sumusuporta at patuloy na nakikinig sa kaniyang mga awitin.

Para sa latest updates kay Jo.e, i-follow natin ang kaniyang social media accounts:

Facebook: @Jo.emusicph

Instagram @jo.emusicph

Twitter: @jo.emusicph

(written by MJ Mayoralgo, photos captured by Claudine Flamenco, edited by Abrah Ann Subaria)