“Hey Girl” ni Charles Kwon sa Pinas FM 95.5

Tuloy ang kwentuhan natin dito sa Pinas FM 95.5 kasama ang ating Pinaspecial guest na si Charles Kwon.

Binisita tayo ni Charles para iparinig sa atin ang kanyang debut single na “Hey Girl”.

Ibinahagi rin sa atin ni Charles ang kanyang inspirasyon kung bakit niya naisulat ang awiting ito, na patungkol sa kanyang high school crush na kanyang naging kaibigan.

Mapapakinggan natin ang awiting “Hey Girl” sa Facebook at YouTube channel ng Queen Tines Entertainment Productions.

Suportahan natin ang kanyang awitin sa pagrequest nito sa Pinas FM at iboto ito sa Top 10 Pinas Song Hits, at abangan din ang kanilang gagawing school tours at syempre ang music video ng “Hey Girl”.

Sundan ang kanyang social media accounts para sa mga bagong updates kay Charles.

Facebook: Charles Kwon
YouTube Channel: Charles Kwon

(written by Marvin C. Pacog, photos captured by Rein Cabalic)