“Be My Lady” (remake) ni Erard sa Pinas FM 95.5

Isang bagong awitin ang handog ni Erard sa muling pagbisita niya sa atin mga ka-Pinas!

Ito ay walang iba kundi ang classic song na “Be My Lady” na ni-rearranged ni Davey Langit.

Ang “Be My Lady” ay orihinal na inawit ni Martin Nievera at isinulat ng kompositor na si Vehnee Saturno.

Ang mga batikang singer naman na si Regine Velasquez at KZ Tandingan ang gusto niyang maka-collab at siyempre ang kaniyang idolo na si Martin Nievera.

Ibinahagi rin sa atin ni Erard ang ilan sa mga mensahe niya sa mga nais i-pursue ang singing career, “Just keep doing what you love, tiyaga, ‘wag mawalan ng pag-asa.” “When you dream, you do about it.”

Maaari niyo na rin mapakinggan ang remake ni Erard ng “Be My Lady” sa iba’t-ibang digital platforms tulad ng Youtube at Spotify.

Para sa mga karagdagang updates tungkol kay Erard, i-follow lamang siya sa kaniyang mga official social media accounts.

Facebook: ERARD
Instagram: @erard.official
Twitter: @erard_official

(written by Claudine Flamenco, photos captured by Mutya Clarisse Ganancial)

You may also like...