Ang muling pagbisita ng Callalily sa Pinas Fm 95.5

callalily-5Muling bumisita ang bandang Callalily sa nag-iisang tahanan ng OPM, dito lang yan sa Pinas Fm 95.5

Sa muling pagbalik ng banda, nagbalik tanaw ang lead singer nilang si Kean Cipriano kung paano nga ba nabuo ang grupo at kung ano ang mga pinagdaanan nila noong sila ay nag-uumpisa pa lamang sa industriya.

Nagsimula ang banda noong 2005 na may limang miyembro at nakapagrelease sila ng kanilang unang album noong 2006. Umalis sa banda ang kanilang gitarista noong 2009 at naiwan sa grupo sina: Kean Cipriano – Vocals, Tatsi Jamnague – Guitars, Aaron Ricafrente – Bass, at Lemuel Belaro sa Drums,

Sa kanilang ika-sampung taon sa larangan ng OPM, muling nagrelease ng album ang Callalily, ang “Greetings From Callalily”. Kasama sa album na ito ang kanilang pinakabagong single, ang “Bitter Song.”

callalily

Sinabi rin ni Kean na ang kanilang weapon sa industriyang ito ay ang constant communication nila sa kanilang fans, lalo na sa social media. Nasabi rin ng grupo na ang halaga ng isang banda ay makikita sa kung ano ang kanilang naiambag sa industriya ng musikang Pilipino. At kaisa ang Pinas Fm 95.5, sa patuloy na pagpapa-unlad ng OPM.

(written by Judy Anne Casamayor, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

 

You may also like...