Zyra and Zedrick San Diego sa Pinas FM 95.5

Nakasama natin ngayon ang champion sa “i-SiNG WORLD” singing competition sa duet category na ginanap sa Myanmar na sina Zyra and Zedrick San Diego.

Ang magkapatid ay matagal ng sumasali sa iba’t-ibang singing competition sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

 

Prinomote din ni Zyra ang kanyang kauna-unahang latest single na pinamagatang “Alab” na kinompose ng isa sa mga batikang kompositor na si Mr. Vehnee Saturno. Isa lamang ito sa mga ibinagay sa kanya mula sa pagkapanalo nila sa nasabing kumpetisyon.

Muli tayong inaanyayahan nila Zyra at Zedrick na suportahan ang kanilang mga susunod na pagtatanghal na gaganapin sa Paris, France sa mga susunod na buwan, maging ang kaniyang latest single na pinamagatang “Alab” na mapapakinggan rin sa Spotify, iTunes at Amazon.

Para sa iba pang updates maaari silang i-follow sa kanilang mga social media account:

IG: @_zyrasd
Twitter: @zyrasandiego
FB: Zedrick San Diego
Zyra San Diego

(written and photos captured by Abrah Ann Subaria, edited by Mary Rose Faith Bonalos)