Zephanie Dimaranan, bumisita sa Pinas FM 95.5

zephanie-daranan-2016-06271

Inhale. Hold. Sing.  — Tatlong salitang naging pundasyon ng isang Zephanie Dimaranan ngayon.

Simula nang siya ay three-years old, nagsimula ng kakitaan ng angking galing sa pagkanta itong ating The Voice Kids Season 2 superstar. At nang naging siya ay siyam na taong gulang, siya ay sumailalim sa mga voice lessons at noong 12 yrs old ay sinubukan ang kapalaran sa nasabing reality singing competition.

 

Aniya, kung siya ay tatanungin kung ano ang ikinaiba niya sa iba pang child singers ng panahon ngayon, ay ang maayos daw niyang napagsasabay ang career sa pagkanta at pag-aaral. Hindi raw siya tulad ng ibang nadi-discourage na ituloy ang studies dahil iba pa rin daw ang may pinag-aralan.

zephanie-daranan-2016-06258

Pero tulad ng ibang mga bata, nais rin ni Zephanie na makapagtapos ng pag-aaral, malibot ang buong mundo at syempre, ang magkaroon ng kaniyang sariling album.

Idolo raw ni Zeph ang kaniyang naging The Voice Kids show na si Sarah Geronimo at kaya naman nung magkaroon siya ng pagkakataong makapasok sa naturang kompetisyon, ay ito ang napili niyang gumabay sa kaniya. Sina Regine Velasquez, Mariah Carey at Celine Dion ang iba pa niyang hinahangaan at walang kaduda-duda dahil sa kaniyang mataas na timbre ng boses at swabeng pag-awit.

zephanie-daranan-2016-06267

Sa ngayon, nagpapasalamat siya sa mga taong sumuporta sa kaniya bagamat siya ay baguhan pa lamang sa industriya at tapos na ang kompetisyong kaniyang sinalihan, ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan at minamahal.

zephanie-daranan-2016-06269

Upang mas makilala at manatiling updated kay Zephanie, maaari siyang i-follow sa mga sumusunod:

Facebook: www.facebook.com/zephdimaranan

Twitter: @zephdimaranan

Instagram: @zephdimaranan

(written by Maria Corazon Silverio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Jacob Isais)

 

You may also like...