Yheen at Yuki nagpakilig sa kanilang pagbisita dito sa Pinas FM 95.5

00

Dalawang naggagwapuhan at napaka-talented na artists ang humarana at nagpakilig sa ating FUNbansang hapon kasama si DJ Apple, sila ay sina Yheen at Yuki!

Sila Leonardo “Yheen” Valero at Takayuki “Yuki” Sakamoto ay mga dating miyembro ng bandang 1:43 kung saan ay nakasama nila sina Kim Nicolas, Kent Malunda, Argee Golding Jr., Anjo Resureccion at Gold Aquino.

 

Sa ating pakikipanayam ay nabanggit nila na sila ay “grumaduate” na di umano sa kanilang dating bandang 1:43 at ang biro pa ni Yuki ay mayroon pa daw silang diploma at mayroon na ding bagong batch ng members ang banda.

Naibahagi din nila kung sinu-sino ang mga singer na nais nilang maka-collaborate tulad na lamang nila Yeng Constantino, Jonalyn Viray at Liza Soberano na ayon kay Yheen ay magaling mag-rap.

Bukod dito ay ibinahagi din nila ang kwento sa likod ng kanilang bagong album at kung paano sila nagiging inspired sa pagsulat ng mga awitin. Sa panibagong yugto ng kanilang career ay ating pakasubaybayan ang kanilang mga bagong awitin na sila mismo ang sumulat.

 

Sa kasalukuyan ay mayroon silang ginagawang album na naglalaman ng pitong orihinal na awitin na isinulat nila at ni Kiko Salazar. Mayroon din silang carrier single na isinulat ni Kiko Salazar, ito ay ang “You’re Beautiful” na maaaring i-download sa iTunes at Spotify.

 

Para sa updates at schedules ay maaari ninyong i-follow ang kanilang mga social media accounts.

Instagram: @Bossleonardovalero
Facebook: @boss_yheen @OfficialYukiSakamoto
Official Twitter: @DTM_BossYheen
FAN Twitter: @YheenYoungsPH

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube