Xian Lim at Louise delos Reyes sa Pinas FM 95.5

Magmahal at masaktan sa bagong pelikulang handog sa atin ng Viva Films kasama ang BluArt Productions at XL8 ang ‘Baka Hanggang Dito Na Lang ’ na pinagbibidahan nina Xian Lim at Louise delos Reyes sa direksyon ni Bona Fajardo.

Espesyal ang proyektong ito dahil unang beses nilang magtatambal at kinunan ang mga eksena sa Saga, Japan na magbibigay sa atin ng ibang feels ngayong buwan ng pag-ibig.

Palabas na ang ‘Baka Hanggang Dito Na Lang ’ sa maraming sinehan ngayong February 6, 2019.

Marami pa tayong dapat pang abangan kina Xian at Louise na kanilang ibinahagi sa ating nga ka-Pinas ngayong hapon kasama pa rin si DJ Apple.

Abangan ang kanilang mga mall shows at mga upcoming events, subaybayan ang kanilang mga social media accounts para sa mga bagong updates.

Facebook: Xian Lim, Louise Delos Reyes Official
Instagram: @xianlimm, @louise.dr
YouTube: XianLim8
Twitter: @XianLimm, @theofficialLDR

(written by Marvin Pacog, photos captured by Grace Era Cruz)

You may also like...