“Unstoppable” concert ni Darren Espanto

Mga Ka-Pinas, muli tayong binisita ng isa sa mga hinahangang singer sa ating bansa.

Dahil sa kaniyang malamig na tinig, sino ba naman ang hindi kikiligin sa kaniyang pag-awit, na tila baga para kang hinaharana.

Kaya naman tinagurian siyang “The Total Performer” dahil sa kaniyang ipinapamalas na galing sa entablado, hindi pa yan, dahil din sa kaniyang hit songs lalong mabilis na nadagdagan ang kaniyang mga milyung-milyong followers.

Totoo ngang malayo na ang narating ng ating bisita na si Darren Espanto mula nang siya ay sumali sa “The Voice,” ngunit hanggang ngayon ay nakikita pa din sa kaniya ang pagiging humble sa kaniyang talento at narating ngayon.

Kaya naman maraming mga tagahanga at maging mga ka-Pinas natin ang excited na muling makita si Darren Espanto na umaawit sa kaniyang concert.

Hindi naman tayo bibiguin ni Darren, dahil ngayong Mayo 26 ay magkakaroon ng concert si Darren Espanto sa KIA Theater na pinamagatang “Unstoppable.”

Ang “Unstoppable” concert ni Darren Espanto ay idinirek pa ni Paolo Valenciano at ang Musical Director na si Nikko Rivera.

Makasama din ni Darren sa kaniyang concert sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Queen of R&B Kyla, Jaya, at Kyle & AC.

Tiyak na masisiyahan tayo sa kaniyang gagawing performances, kasama ang mga magagaling ng singers sa ating bansa.

Kaya mga ka-Pinas, muli ay inaanyayahan tayo ni Darren na sama-sama natin panuorin ang kaniyang concert na “Unstoppable”sa KIA Theater, 8PM, sa May 26, 2018.

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz) 

 

You may also like...