“Ulap” ni Mark Oblea sa Pinas FM 95.5

Binisita tayo ng kwelang bad boy ng Bacoor siya ay nakipagkulitan sa Funbansang Hapon ng Pinas FM 95.5 kasama si DJ Apple.

Nakilala si Mark ng sumali siya sa Pinoy Boyband Superstar.

Simula noon ay umusbong na ang kaniyang karera bilang isang aktor at singer.

Dinalaw tayo ni Mark upang ibahagi sa atin ang kaniyang bagong single na siya mismo ang nag-compose.

Nasabi ni Mark na ang meaning ng “Ulap” ay isang specific place sa lugar na kaniyang pinagmulan, ang Cavite.

Bukod pa sa bagong kanta, may bago ring movie tayong aabangan kay Mark, at ito ang barkada movie “G!” o “Project G!” kasama sina Jameson Blake, at Macoy De Leon.

Bukod sa pelikula ibinahagi din ni Mark ang kaniyang upcoming EP album inaasahang mai-rerelease sa March o April.

At para maging updated tungkol sa latest happenings kay Mark maaari na rin siyang i-follow sa kaniyang social media accounts:

Instagram: @markoblea
Twitter: @iammarkoblea

(written by Iris Tamor, photos captured by Mary Jeleia Mayoralgo)