Trisha Denise sa Pinas FM 95.5

Isang masayang tugtugan na naman sa Funbansang Hapon with DJ Apple kasama ang ating pinaspecial guest na si Trisha Denise!

Masayang ibinahagi ni Trisha kung paano niya sinimulan ang pagsulat ng kanta. Labing dalawang taong gulang pa lamang siya noong natuto siya mag-gitara at dito na nahubog ang kaniyang pag-awit.

Si Trisha Denise ang sumulat ng kanta kay Kisses Delavin na pinamagatang “Alam Na This.”

Nagkaroon din siya ng collaboration nang maka-duet niya si Jason Dy sa isa sa mga kanta niya sa album niyang “Sunshine.”

Pwede nang ma-avail at mapakinggan ang kaniyang latest single na “Mahalaga” at EP Album na “Sunshine” sa Spotify, iTunes at Amazon.

Patuloy na i-request ang kaniyang awitin sa nag-iisang tahanan ng OPM, Pinas 95.5!

(photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...