The OPM Hitmen bumisita sa Pinas FM 95.5

Nakisaya at nakipagkwentuhan sa ating funbansang hapon ang mga miyembro ng The OPM Hitmen dito sa Pinas FM 95.5.

Matutunghayan natin makipagkulitan ang mga kilala at batikang mga singer na sina Chad Borja, Rannie Raymundo, Richard Reynoso at Renz Verano.

Samantala, may bago tayong aabangan sa mga paborito nating mga singer kung saan maghahandog muli sila ng concert “The OPM Hitmen Live!”, na makakasama rin si Ms. Dulce sa darating na October 27, sa The Music Museum.

Maraming handog na awit sa atin ang mga nasabing singer at ito ay pawang mga OPM Songs lamang.

Para sa mga patuloy na sumusuporta sa The OPM Hitmen, at para laging updated, I-follow lamang ang kanilang mga social media accounts:
Facebook:@opmhitmen

(written by Diana Lescano, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...