Teens 4 U sa Pinas FM 95.5

Apat na naggagalingang artist ang bumisita at kasamang nakipagkulitan ni DJ Apple at DJ Rapido sa ating mga ka-Pinas. Ito ay walang iba kundi ang Teens 4 U.

Nagsimula ang Teens 4 U sa isang talented show kung saan kasama sila sa team Sarah. Ito ay binubuo nina Mikko Estrada, Fatima Lagueras, Archie Aguilar at Chloe Redondo.

Sa kanilang pagbisita ay ibinahagi nila sa atin kung paano sila nagsimula bilang isang grupo at naging experience sa pagsali sa kompetisyon.

Noong April 21, 2018 lang ay nagdaos sila ng concert sa Music Museum at nagpatikim naman sila ng awitin kinanta nila sa kanilang concert na pinasikat ng kanilang Coach Sarah na pinamagatang “Kilometro”.

Para sa updates maaari silang i-follow sa kanilang Facebook accounts:
Mikko Estrada
Fatima Lagueras
Archie Aguilar
Chloee Redondo

(written by Marc Genre Macasaquit, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)