Teagle Sisters, nagpakitang gilas sa Pinas FM 95.5

Mga ka-Pinas, dalawa na namang multi-talented artists ang ating nakasama at nakakwentuhan sa Pinas FM 95.5. Sila ay sina Calmell at Dagen Teagle.

Ang magkapatid na Calmell at Dagen Teagle ay lumaki sa Sydney, Australia. Australian ang kanilang ama, samantalang Pinay naman ang kanilang ina.

 

Unang nakilala si Calmell Teagle, ang panganay sa dalawang magkapatid, nang siya’y makapasok sa X Factor Australia matapos niyang awitin ang kantang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston na umani ng mga papuri mula sa mga hurado ng nasabing patimpalak.

Matapos nang kaniyang pagsali sa X Factor ay nagsimula siyang gumawa ng mga cover ng iba’t-ibang kanta na ina-upload niya sa kaniyang YouTube channel kung saan ay kasama na niya ang kanyang kapatid na si Dagen.

 

Nagsimula ang Teagle sisters sa pagsali sa mga choir sa kanilang paaralan kung saan ay nahasa ang kanilang talento sa pag-awit. Bukod sa talento sa pag-awit ay nabanggit din nila ang kanilang hilig sa pagsasayaw.

Para sa updates ng Teagle sisters sa kanilang mga song cover at mall shows ay maaari ninyong i-follow ang kanilang mga social media accounts:

Facebook: The Teagle Sister
Instagram: @calmellsworld
Twitter: @CalmellTeagle
Youtube: Calmell Teagle

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

 

You may also like...