“Super Happy Roadtrip” ng Rouge ibinida sa Pinas FM 95.5

00

2-1-17 Rouge 2017-5

Hindi lang isa kundi apat na naggagandahan at talentadong mga dalaga ang bumisita sa atin dito sa tahanang ng OPM, ang Pinas FM 95.5, sila ay ang bandang Rouge.

Ang bandang Rouge ay bunubuo nina Gyan, Princess, Kara, at Jeri na isang acoustic band. Ayon sa kanila ang ibig sabihin ng bandang Rouge ay girl power.

 

Bagamat kilala na ang Rouge band sa kanilang mga gigs, higit na nakilala ang Rouge band ng mapasali sila  Pilipinas Got Talent Season 5 sa isang kilalang network.

 

Sa kanilang naging pagbisita sa atin, ang bandang Rouge ay naghatid sa atin ang kanilang bagong single song na “Super Happy Roadtrip” na anila ay tiyak na magugustuhan mga magkakabarkada dahil ito ay may tema na pangsummer, na alam naman natin na itong season na ito ang karamihan sa atin ay nagroroadtrip sa mga magagandang tanawin.

2-1-17 Rouge 2017-6

Para sa updates, bisitahin ang kanilang social media accounts:

Facebook:   @rougeallgirl

Twitter:  @rougeallgirl

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Dexter Magno)

 

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube