“Summer” ni Jermae sa Pinas FM 95.5

Isang magandang Funauhin ang buena mano sa ating Funbansang hapon 2019 mga kaPinas!

Bumisita sa atin si Jermae para ipromote ang kaniyang latest single na “Summer”, maaari na ring i-download sa iba’t-ibang digital platform.

At kumasa din siya sa hamon ni DJ rapido na kantahin ang sikat na dance craze na CHAMBE CHAMBE sa ibang genre.

Mga kaPinas hindi lang basta singer si Jermae, isa din siyang Runaway model at napapasama rin siya sa iba’t-ibang commercial.

Kahanga-hanga din ang kaniyang kakayahan na pag sabayin ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang hilig sa pagkanta.

Para sa iba pang mga updates tungkol kay Jermae maaari niyo rin siyang i-follow sa kaniyang mga social media accounts.

Facebook/instagram: @JermaePH

(written by Rhinalyn Grados, photos captured by MJ Mayoralgo)