“Sumayaw Sumaya” ni AC Bonifacio

Hataw ang saya sa pagbisita sa atin ng dancer, actress at singer na si AC Bonifacio sa Funbansang Hapon with DJ Apple dito pa rin sa Pinas FM 95.5.

Iniimbitahan tayo ni AC na makisaya sa kanyang kauna-unahang fan gathering at birthday celebration na “AC All About It”  na gaganapin sa SM City North EDSA, Skydome ngayong December 14, 2018.

Tunghayan ang kanyang performances at ng kanyang mga special guests na talagang maeenjoy ng lahat.

Inaanyayahan din tayo ni AC na suportahan ang kanyang single na ” Sumayaw Sumaya” na mapapanuod na ang official music video sa YouTube.

Upang hindi mahuli sa mga updates kay AC, huwag kalimutang i-follow ang kanyang social media accounts.

Facebook: AC Bonifacio
Instagram: @acbonifacio
YouTube: Andree Bonifacio

(written by Marvin C. Pacog, photos captured by Lovely Ann Cruz)