“Sorry” bagong awitin ng Moonstar88

Nakipagkulitan ngayong hapon ang bandang Moonstar88 sa Pinas FM 95.5 kasama si DJ Apple Chiu.

Bumisita ang banda para imbitahan tayo sa kanilang bagong single na “Sorry”.

Kilala ang banda sa mga hugot na kanta katulad na lamang ng “Torete” at “Migrane”.

Kaisa ang bandang Moonstar88 sa iba pang mga local bands sa pagdidiwang ng 25th anniversary ng Warner Music.

Ayon sa banda, binigyan sila ng Warner Music ng pagkakataong pumili ng banda at kantang kanilang gagawan ng sarili nilang rendition.

At ito ay ang “Sorry” ng Filipino rock band na “Teeth”.

Sabi pa ng Moonstar88, hindi man sobrang layo sa original arrangement ay talagang ibang atake ang gagawin nila sa kanta dahil bibigyan nila ito ng mas masayang tunog.

Bukod sa single na “Sorry” ay aabangan din natin ang all-originals na bagong album ng banda.

Ilang patikim ang ibinigay ng banda tungkol sa kanilang album.

Ayon sa kanila ilan sa mga kanta nila rito ay tungkol sa “moving on”, “mental health”, at “motivational” songs.

Dahilan lang upang abangan talaga natin ang album na ito na sabi ng banda ay marerelease sa April.

At para maging mas updated pa sa mga upcoming projects ng banda, pwedeng pwede na nation slang i-follow sa kanilang official social media accounts:

Facebook: Moonstar88
Twitter/Instagram: @moonstar88band

(written by Iris Tamor, photos captured by Mary Jeleia Mayoralgo)

You may also like...