Tanya Manalang bumisita sa Pinas FM 95.5

00

Tanya Manalang 2016-3

Binisita tayo ng isang Miss Tanya Manalang. Sa kabatiran ng marami, si Miss Tanya ang nakuhang alternate na Kim sa “Miss Saigon”.

Naibahagi din niya ang kanyang karanasan bilang isang theater actress sa ibang bansa. Marami narin siyang napuntahan na bansa at ang favorite place niya ay ang Santorini sa Greece.

Tanya Manalang 2016-1

Bago siya lumipad patungong London upang gampanan ang karakter sa Miss Saigon ay naging isang theater actress din siya dito sa Pilipinas. Nakasama niya rin sa Sound of Music sa Resorts World Manila at King and I, ang ating maganda at talentadong DJ na si Apple Chiu.

Nagsimulang umawit si Tanya nang siya ay anim na taong gulang pa lamang at sumasali narin siya sa mga singing competition sa school.

Tanya Manalang 2016-4

Iniimbitahan niya tayo na manuod ng “Curtains Up” sa July 14, 8:00 pm, Thursday sa Newport Performing Arts Resorts World Manila at makakasama din niya bilang special guest si Miss Lea Salonga.

Ito ang first musical ni Tanya ulit sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taon niyang pamamalagi sa London.

Tanya Manalang 2016-7

Matutunghayan din siya sa Rak of Aegis kung saan naibahagi niya na ang pinakachallenging part ay ang kaniyang pagkanta ng “Heto Ako” habang umiiyak. Naging struggle din sa kanya ang pagtatagalog kung kaya’t sinasanay na niya ang pagsasalita nito.

Tanya Manalang 2016-6

Naikwento din ni Miss Tanya ang kanyang buhay pag-ibig kung saan ay nagkaroon sila ng 2 year gap ng kanyang kasintahan nang siya ay tumungo ng London subalit pagbalik niya ng bansa ay muli silang nagkabalikan nito. Kaya’t ang payo niya sa mga pakiramdam ay wala ng pag-asa ang buhay pag-ibig ay “Huwag kayong mawalan ng pag-asa, pero huwag niyo ding hahabulin.”

(written by Dianne Mae Czarina Condes, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Jasmin Anne Espinosa)

Tags