“Songs for Mama” benefit concert ni Marlo Mortel ibinahagi sa Pinas FM 95.5

00

Isang gwapong aktor at singer ang nakasama natin sa Pinas FM 95.5 siya ay walang iba kundi si Marlo Mortel.

Sa pagbisita niya ay nagsample siya ng rap at kanta na talaga namang nagpakilig sa ating mga ka-Pinas.

Matapos na magpakita ng kaniyang talent si Marlo Mortel nagpromote siya ng kaniyang nalalapit na concert na pinamagatang “Songs for Mama” isang benefit concert para sa kaniyang ina na may sakit na cancer na stage 4.

Ang “Songs for Mama” benefit concert ay sa October 13, Biyernes alas-otso ng gabi The Elements sa Centris.

Kaya mga ka-Pinas patuloy natin suportahan ang nalalapit na concert ni Marlo Mortel na kaniya rin makakasama sina Kisses Delavin, Maymay Entrata, Michael Pangilinan, Mr. Jed Madela at Janella Salvador.

Maaari din nating masubaybayan ang kanyang upcoming gigs sa kaniyang social media accounts:

Instagram: Marlomortelmusic

Twitter: Marlo_mortel

(written by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Angeli Shaina Garingan)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube