Secrets: A night with Barbie, Kitchie and Aya; ipinakilala sa FUNbansang hapon ng Pinas FM 95.5

00

kitchie-nadal-and-barbie-almabis-2016-8

Dalawa sa tinitingalang icon sa industriya ng musika ang nagpamalas ng kanilang mga natatanging tinig dito sa segment natin na FUNbansang hapon, sa Pinas FM 95.5.

Sila ay nakilala sa walang kupas na awitin katulad ng “Tabing ilog” at “Wag na wag mong sasabihin.” Bata man o matanda ay tiyak na mapapasabay talaga sa tugtugin nina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis.

 

Live natin silang nakasama sa FUNbansang hapon upang ipakilala sa atin ang kanilang mga latest single at ang nalalapit nilang ‘Collaboration Concert’ na pinamagatang “Secrets: A night with Barbie, Kitchie and Aya (Aya De Leon ng bandang Imago), sa Music Museum sa ika-10 ng Disyembre 2016. “Very intimate ang concept ng concert namin na binuo ng ‘Gabi Na Naman Productions,” wika ni Barbie.

 

Muli na naman nating maririnig ang kanilang mga pinasikat na kanta o ang kanilang throwback songs. Maging ang mga bagong tugtugin na ngayon lamang maririnig ng publiko ay kanila ring ihahain sa kanilang mga tagapanood at tagapakinig, at aniya ay mayroon pang iba mga surpresang nag-aabang. Ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang mga pamamaraan sa pagsusulat ng mga awitin.

kitchie-nadal-and-barbie-almabis-2016-6

“Maging honest ka, hayaan mo ang sarili mong maging vulnerable sa feelings mo,” ayon kay Barbie Almalbis. “Cryptic ang mga isinusulat ko pero kung gusto mo talagang maintindihan ka ng audience, dapat ay easy to understand ang mensahe ng iyong lyrics,” pagdaradag naman ni Kitchie Nadal. Nabanggit rin ng dalawa ang kanilang pagkakapareho sa paraan ng pagsusulat ng kanta.

kitchie-nadal-and-barbie-almabis-2016-3

Pareho nilang sinisimulan ito sa pamamagitan ng paglalapat ng chords at saka susundan ng lyrics at tono. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga tagahanga dahil ipinarinig ng mga ito ang kanilang mga bagong single. Ang “Ambon” ni Barbie Almalbis na kanyang inawit sa Himig Handog; PhilPop at ang “Wandering Stars” naman ni Kitchie Nadal.

kitchie-nadal-and-barbie-almabis-2016-1

Kanila ring inimbitahan ang lahat na tumutok sa kanilang social media accounts upang maging updated sa mga paparating nilang gig at concerts sa darating na taon. I-type lamang ang kanilang pangalan (Barbie Almalbis at Kitchie Nadal) para sa kanilang mga Facebook account at YouTube Channel.

(written by Jodilin Bustos, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Dexter Magno)

 

Tags

Listen Live!

FB Live
  program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube