Sam Milby may bagong single at album na

00

Isa sa pinakahinahangaan at kinakikiligang actor at recording artist ang bumisita sa atin mga ka-Pinas, siya ay si Sam Milby!

Nagtuloy-tuloy ang music career ni Sam Milby kung saan ay nagsagawa siya ng concerts at tours sa iba’t ibang bansa tulad na lamang ng USA, Canada, Asia and Europe.

 

Sa pagbisita ni Sam Milby sa atin mga ka-Pinas ay ibinahagi niya ang kanyang pang-limang album titled “Sam 12” na ayon sa kanya ay minamarkahan ang kanyang ika-labing dalawang taon sa industriya.

Ang nasabing album ay mayroong siyam na awitin na siya mismo ang gumawa at isang cover song. Naging guest singer niya din sa awiting “Balang Araw” si KZ Tandingan at masayang ipinahayag ni Sam Milby ang kaniyang paghanga sa galing nito sa pag-awit.

Inusisa din ng mga nasa studio kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang latest single na “Who’s That Girl?,” ang naging sagot naman ni Sam Milby dito ay kung ang tinutukoy daw ay yung sa kanta hindi nya pa daw alam kung sino ito dahil ang kanyang kanta raw ay patungkol sa Love at First Sight. Pero kung ang pag-uusapan naman daw ay siya ang sinagot lamang ni Sam ay “non-showbiz”.

Maaari nang mabili ang kanyang album at maidownload sa Spotify, iTunes at Amazon Music.
Para maging updated ay maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media accounts:
Facebook: @officialsammilby
Instagram: @samuelmilby
Twitter: @samuelmilby

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Ffaith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube