Sabrina sa Pinas FM 95.5

Nakasama natin sa Funbansang Hapon kasama si DJ Apple Chiu ang acoustic singer na si Sabrina dito sa Pinas FM 95.5.

Kamakailan lang ay tinanghal si Sabrina bilang Female Acoustic Artist of the Year sa PMPC Star Awards for Music 2017-2018.

Ngayon ay handog niya sa atin ang kanyang bagong single na ‘Di Na Ako Aasa Pa’ na maaari na nating mapakinggan sa iba’t-ibang digital platforms nationwide.

I-request ang ‘Di Na Ako Aasa Pa’ dito sa Pinas FM at iboto rin ito para makabilang sa Weekly Top 10 ng Pinas Song Hits.

Sundan si Sabrina sa kanyang social media accounts para sa iba pang mga updates.

Facebook: @lovelotssabrina

Instagram: @lovelotssabrina

Twitter: @lovelotssabrina

(written by Marvin C. Pacog, edited by Mary Rose Faith Bonalos,photos captured by Janelle Marie Bautista)

You may also like...