Sabrina muling nakipagkulitan sa Pinas FM 95.5

00

Dumalaw muli ang nag-iisang Asia’s Acoustic Sweetheart upang i-promote muli sa atin ang kanyang latest album na “I Love Acoustic 10.1,” sino pa ba mga ka-Pinas? Walang iba kundi ang may napakaganda ay malamig na tinig na si Sabrina.

 

Naibahagi ni Sabrina na ang kaniyang album ay tungkol sa nalalapit na celebration ng kanyang ika-10th anniversary sa music industry. Naibahagi din niya na kilala din talaga siya sa mga karatig na bansa sa Asya kagaya na lamang ng Indonesia at Malaysia.

Ayon kay Sabrina, nakakataba ng puso ang mga nangyayari sa kanya ngayon lalo na’t maraming nagtitiwala sa talentong mayroon siya.

Ang paboritong kanta ni Sabrina sa kanyang bagong album ay kanyang carrier single na “Something Just Like This,” naikwento din niya na nag-aaral siya ngayon kapag wala siyang show. Isa sa mga pangarap niya ay maging isang teacher o professor.

Nagpathrowback at nagpasample din silang dalawa ni Dj Aikee ng kantang pinasikat nila pareho ang “Dota o Ako,” syempre mawawala ba ang pagsample niya ng kanyang carrier single na ‘Something Just Like This’?

Para sa mga upcoming show, gigs at update na rin sa buhay ng nag-iisang Sabrina, i-follow natin siya sa kanyang social media:

Facebook: Sabrinatics Official
Twitter: @lovelotssabrina
Instagram: @lovelotssabrina

(written by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Angeli Shaina Garingan)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube