RJ Jimenez ibinahagi ang kaniyang bagong EP album na “Christina”

Siguradong tayo ay mapapaniwala sa forever sa mga awiting hatid sa atin ni RJ Jimenez dito pa rin sa Pinas FM 95.5.

“Christina” ang EP album na ire-release ng singer-songwriter na si RJ na naglalaman ng anim na awitin na orihinal niyang katha.

Pangalan ng kanyang asawa ang nasabing album at mga awitin ito ay ang journey nilang dalawa sa loob ng limang taon.

Kwento nga niya, naging proposal song niya ang “Please Say Yes” na parte ng album, na akala ng kanyang asawa ay normal gig lang ang kanilang gagawin, di niya alam na ito pala ay surprise proposal ni RJ sakanya.

Maaari na din mapakinggan ang carrier single nitong “God Really Loves Me”, at ang ibang awitin ay isa-isang ilalabas tuwing Biyernes.

Huwag kalimutang i-follow ang kanyang social media accounts para sa mga bagong updates.

Facebook: RJ JIMENEZ

Instagram: @rjjimenezmusic

(written by Marvin C. Pacog)