RJ Agustin, muling bumisita sa Pinas FM

Spread the love

Muling nagbalik dito sa tahanan ng OPM si RJ Agustin at masayang nakipagkwentuhan kay DJ Apple.

Kitang-kita kung gaano ang kanyang naging tagumpay matapos ang isang taon mula nang huli siyang bumisita sa ating programa.

Katunayan nito ay nagkaroon siya ng isang concert noong nakaraang taon at isa na siyang ganap na recording artist.

Sa ngayon, mayroon siyang bagong single na pinamagatang “Seryoso Na Pala” na maaari ng mai-download sa Spotify at iTunes at iba pang downloading sites.

Abangan din natin siya sa mga Campus tour sa darating na pasukan.

Magiging aktibido din aniya siya sa mga social networking sites kung kaya i-like and share na ang kanyang facebook fanpage @RJ Agustin, sa instagram @RJ Agustin 22 at maaring i-follow sa tweeter @IamRJAgustin.

Maaari na ding i-request ang “Seryoso Na Pala” dito sa Pinas FM 95.5.
(written by Marc Genre Macasaquit, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...