Renzo Vergara sa Pinas FM 95.5

00

Muli na naman tayong binisita ng isang magaling na singer, siya ay walang iba kundi si Renzo Vergara.

Sa kanyang naging pagbisita ay ipinamalas ng singer kung gaano siya kagaling sa pagkanta sa pagbibigay ng sample para sa kanyang mga tagahanga.
Inawit niya ang sikat na awitin na “Ipagpatawad Mo,” “Goodbye” ng Air Supply at “How Did You Know ni Mr. Garry Valenciano.

Si Renzo Vergara ay isang magaling na singer-songwriter sa edad na 18.

Napag-alaman natin na ang kaniyang naging major influences sa pagkanta ay ang tanyag na bandang Air Supply, Westlife at si Mr. Garry Valenciano.

Busy man sa industriya ng musika ay magtatapos naman siya ngayong taon sa kursong Music Business Management sa Meridian International College.

Sa pagbisita ni Renzo, handog niya sa kanyang mga tagahanga at maging sa mga ka-Pinas ang kanyang 2nd sophomore album na ilalabas ngayong buwan sa mga Digital store.

Ang album niyang ito ay mayroong anim na tracks at may carry single title na “Ipapangako.” Ang laman ng lahat ng album ay original compose naman ni Mr. Benny Saturno.

Maraming salamat Renzo Vergara sa pagbisita sa Pinas FM 95.5.

(written and photos captured by Angeli Shaina Garingan, edited by Mary Rose Faith Bonalos) 

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube