Rayantha Leigh ibinida ang kaniyang latest single na “Nahuhulog”

00

“Failures are road to success.”

Ito ang naging mensahe ni Rayantha Leigh sa mga susunod pang mang-aawit na nagnanais na pumasok sa industriya ng musika.

Sa kaniyang naging pagbisita dito sa nag-iisang tahanan ng OPM, ibinida ni Rayantha Leigh ang kaniyang latest single na “Nahuhulog.” Nang tanungin kung saan patungkol ang kanta, ang tanging nasabi ni Rayantha ay tungkol sa kaniyang pagmamahal na hindi niya sigurado kung saan patutungo, ngunit narealize na lamang niya nahuhulog na siya.

Ayon kay Rayantha, hindi lamang siya sa kaniyang career nagsusumikap, kundi pati sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, kilala si Rayantha Leigh bilang isa sa mga matatalinong mag-aaral sa kanilang eskwelahan.

Ilang beses na din sumali sa singing competitions si Rayantha, ngunit sa kabila ng mga pagkabigo, patuloy pa din siya sa pagpu-pursigi.

“Ako po kasi yung taong kapag gusto ko talaga, magpupurisigi ako,” ang sagot ni Rayantha nang tanungin siya ni Dj Apple kung paano niya hinarap ang mga pagkatalo.

Kamakailan lang ay nakatanggap ng award si Rayantha Leigh mula sa Japan, ito ay ang Young International Artist Award.

Para sa mga update, maaari ninyong i-follow ang kaniyang mga social media account:
Facebook: @Rayantha.Leigh
Instagram: @rayantha.leigh

(written by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube