Rachel Alejandro at Sandino Martin, ibinida ang pelikulang “Ang Larawan”

Mga ka-Pinas, halos nagsisimula pa lamang ang taong 2018 ngunit hindi tumigil ang ating Pambansang OPM na pasayahin ang bawat hapon natin.

 

Kaya naman para sa bueno mano natin sa taong ito, una tayong binisita ng mga naging cast ng pelikulang “Ang Larawan” na sina Rachel Alejandro at Sandino Martin.

Ang pelikulang “Ang Larawan” ay isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival o MMFF, ito din ay hango sa isang sikat na stage play noong 1997 na ang pamagat ay “Ang Larawan the Musical”.

Ayon pa kay Rachel Alejandro at Sandino Martin, talagang pinagpagalan at pinagsikapan nila na mapaganda pa lalo ang nasabing pelikula, sa katunayan nga ay naging mahaba anila ang kanilang naging preprasyon para dito.

Kaya naman mga ka-Pinas, naging patok ito sa maraming manunuod at tunay ngang dekalidad ang pelikulang ito, sapagkat, humakot ng mga awards, tulad ng “Best Picture” at Best Actress para sa magaling na pagganap ni Joanna Ampil, Best Musical score, at Best Production Design.

Ayon kay Rachel Alejandro, itong pelikulang ito ay relevant sa ating mga Filipino, kaya naman inaanyayahan niya tayo na patuloy itong panuorin at tangkilikin.

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...