Pwedepa.ph at Ketogeneticdiet.ph, ipinakilala sa Pinas FM 95.5

Nagbahagi sa atin ng mga kaalaman tungkol sa e-Commerce at health sina Engr. Ronald Mayari at Maria Elizabeth Malinao sa pagbisita nila sa Pinasizzling morning ng Pinas FM 95.5.

Ipinakilala sa atin ni Sir Ronald ang “worry-free web design service” na pwedapa.ph na isang negosyo community. Nag-ooffer sila rito ng free web design, customized domain e-mails, free technical support, search engine optimization (SEO),at free online marketing sa mga nagnanais magsimula ng kanilang online business.

Inaanyayahan niya rin ang lahat na sumali sa promo kung saan mamimigay sila ng tatlong android cellphones.

Ang kailangan lang gawin ay:
(1) I-like ang official Facebook page ng Pinas FM 95.5,
(2) -share ang interview nila kasama si DJ Aikee,
(3) I-like ang official Facebook page ng Pwedepa.ph, at
(4) Mag-register sa kanilang website: www.pwedepa.ph.

Samantala, tinuruan naman tayo ni Ma’am Elizabeth kung ano ang ketogenic diet, na nakilala ‘di lamang sa slimming properties nito kundi maging sa dulot nitong health benefits tulad ng pagtulong nito na maiwasan ang diabetes, cancer, at Alzheimer’s disease.

Ibinahagi rin niya sa ating mga ka-Pinas ang kanilang Biggest Loser Challenge, na bukas para sa mga 18 years old and above.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa nasabing challenge, sa mga pagkain na dapat piliin, at sa dietary supplements na kanilang ino-offer, bisitahin ang kanilang website: www.ketogenicdiet.ph o kaya naman ay tumawag/mag-text sa 0917-333-3365.

(written by Phoebe Salvador, edited Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Diana Lescano)