“Pwede Kaya” ni Macoy Mendoza dito sa Pinas FM 95.5

Bagong awitin ang hatid sa atin ni Macoy Mendoza sa muli niyang pagbisita dito sa Pinas FM 95.5.

Mapapakinggan na natin ang awiting ‘Pwede Kaya?’ na isinulat ni Mr. Vehnee Saturno.

Dapat din nating abangan ang music video nito na kung saan ay excited na rin si Macoy tungkol dito.

Nagpapasalamat din si Macoy sa mga sumuporta at pumunta sa katatapos lang niyang concert na naging matagumpay. Ngayon ay nasusubukan na niya ang pagsusulat ng mga awitin na balak niyang irecord sa mga susunod na pagkakataon.

Marami pa tayong dapat pakaabangan sakanya na pagiging balladeer ang gustong i-focus sa ngayon, dagdag pa niya, gusto niya ring i-explore ang iba pang genre.

Kung gusto mong di mahuli sa mga bago kay Macoy, sundan lamang ang kanyang social media accounts para sa mga updates.

Facebook: Macoy Mendoza
Instagram/Twitter: @macoymendoza

(written by Marvin Pacog, photos captured by Janelle Bautista)

You may also like...