“Puso” ni Richard Parojinong sa Pinas FM 95.5

00

richard-parojinog-2017-8

Isang napakagwapo at magaling na singer ang ating naging bisita sa Funbansang Hapon magandang panimula ito para sa panibagong taon at siya ay walang iba kundi si Richard “Chard” Parojinog.

 

Talaga nga naman napakagaling niyang kumanta dahil simula elementary pa lamang daw ay kumakanta na siya. Madalas aniya siyang kumakanta sa kanilang bahay, pero dala ng kaniyang pagiging mahiyain ay hindi daw niya naranasan sumali sa mga singing contest sa paaralan ngunit sa kaniyang pagtungtong sa college ay nagsimula siyang sumali isang choir.

Ang mga OPM icon na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid ang kaniyang mga paboritong singer dito sa Pilipinas. Nahiligan niya din daw ang kantang “Ikaw Ang Aking Pangarap” ni Martin Nievera. Sina Sam Smith, Neyo naman ang kaniyang paborito pagdating sa mga international artist. Ang kaniyang genre naman sa pagkanta ay ballad.

richard-parojinog-2017-6

Hindi lamang siya nakilala sa pagiging magaling kumanta ngunit nakilala din natin siya sa isang noontime show sa isang stasyon kung saan ay isa itong segment na “Dating Game.” kung saan ay doon siya nabighani sa isang babae na si Pastillas girl, napapanuod lamang daw niya ito sa internet at nag-comment siya para mapansin at natupad naman iyon nagkita at nagkakilala sila sa personal pero itinanggi niya na naging sila pero dati daw ay nag da-date sila at tanging si Pastillias Girl lamang ang babaeng kaniyang hinarana.

 

Ang kantang “Puso” ay isinulat ng kaniyang kaibigan na si Bryan, isa daw ito sa kaniyang napili sa apat na kanta dahil ito daw ay naramdaman niya talaga ng marinig niya ito. Ito ay tungkol sa pag kumbinsi sa isang puso ng babae na pakinggan siya sa kaniyang nararamdaman.

Hindi niya hilig ang tumugtog ng instruments pero kung may pag-aaralan man daw siya ay ito ay ang piano at kung mag-susulat daw siya ng kanta ay sabay sa uso katulad ng mga hugot na kanta.

Naging inspirasyon niya daw ang kaniyang fans, pamilya at yung mga hanggang ngayon ay sumusoporta pa din sa kanya sa pag-awit.

Maaari nating makita sa personal si Chard sa January 14 sa Vista Mall kasama si Jennylyn Mercado.

 

richard-parojinog-2017-1

Pwede din nating siyang ifollow sa kaniyang social media accounts katulad ng Insatgram- @chardparajinog, Twitter- @mrparajinog, at Facebook-Ricahrd Badajos Parajinog at supportahan din natin siya sakaniyang latest single under ivory music maari itong ma download sa Spotify at sa iTunes

(written by Angelica Ernie, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Dexter Magno)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube