“Puslan Man” ni Tim Pavino ibinida sa Pinas FM 95.5

00

Muli nating nakasama dito sa Funbansang Hapon ang tinaguriang “Prince of the New OPM” na si Tim Pavino upang ibahagi niya sa atin ang kaniyang bagong latest single na “Puslan Man.”

Nakilala si Tim Pavino ng sumali at naging semi-finalist sa isang reality singing contest.

 

Malayo na rin mga ka-Pinas ang narating ng isang Tim Pavino pagdating sa larangan ng pagkanta.

Kaya sa muling pagbisita niya sa atin kaniyang ibinahagi ang kaniyang latest single na “Puslan Man” na isang Bisaya song.

Ayon kay Tim Pavino layunin ng kantang ito na mabigyan ng pagkakataon na marinig ng marami ang magagandang kantang Bisaya.

Ang kantang “Puslan Man” ay maaari ng i-download sa Spotify at iTunes for the benefit of Kadasig.

Para sa mga updates maaaring i-follow ang kaniyang mga social media sites na sumusunod:
Facebook: @TimPavino
Twitter: @TimPavino
Instagram: @TimPavino

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube