Pelikulang “Baklad,” mapapanood na sa 2nd TOFARM film festival

00

Sa muling pagbubukas ng 2nd TOFARM film fest, isa na namang dekalidad na pelikula na sumasalamin sa ating mga kababayang magsasaka ang muli nating matutunghayan, iyan ang pelikulang “Baklad.”

Ang pelikulang “Baklad,” ay kuwento ng mga kabataang bantay ng fish pond, na kung saan ang pangunahing nilang ikinabubuhay ay nagmumula dito.

Pinagbibidahan ito nina Ronwaldo Martin, El Ora Espano at Rafa Siguion Reyna.

Ayon kay Rafa, ito aniya ay isa sa matuturing niyang memorable, dagdag pa niya ramdam niya ang layunin ng bawat kasama niya sa pelikula na kahit aniya maliit ang budget ay hindi nag atubiling gawin ito para sa ating mga kababayan.

Ang “Baklad” ay mapapanood sa 2nd TOFARM fest na ipapalabas sa July 12 hanggang July 18.

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Jodi Bustos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube