Pangako ni Kyle Echarri

Sa pagbisita muli ni Kyle Echarri sa atin mga ka-Pinas masayang ibinabalita niya sa atin ang kaniyang latest single na pinamagatang ” Pangako”.

Dahil sa husay ni Kyle Echarri sa maraming pagkakataon ay inalayan niya na tayo ng kaniyang iba’t-ibang single kung saan patuloy natin na nasasaksihan sa tuwing bibisitahin niya tayo mga ka-Pinas.

Kaya sa pagkakataong ito muli na naman tayong inihahandugan ni Kyle Echarri ng bagong single na pinamagatang ” Pangako” kung saan isang awiting pwedeng ihandog sa ating pamilya, kaibigan at mga taong malalapit sa ating puso.

Ang awitin ni Kyle Echarri na “Pangako” ay maaari nang i-download sa Spotify, iTunes at iba pang digital music platform.

Inaanyahan din niya ang kaniyang mga taga-suporta na suportahan ang kaniyang bagong single tittle song na “Pangako.” Sa pagtatapos ng kaniyang pagbisita dito sa Pinas FM 95.5 ay pinasalamatan niya ang kaniyang mga tagasuporta na walang sawang sumusuporta sa kaniya.

Para sa updates sa iyong idol i-follow ang kaniyang social media accounts:

Facebook: @KyleEcharriOfficial

Twitter: @kyle_echarri

Instagram: @kyleecharri32

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...