“Pabili Po” at “Medyo Serious” ng Banda ni Kleggy sa Pinas FM 95.5

Jpeg

Jpeg

Isang masayang araw na naman mga KaPinas ang hatid sa atin ng mga naging bisita natin sa Pinas FM 95.5 sila ay walang iba kundi ang Banda ni Kleggy.

Jpeg

Ang banda ni Kleggy ay binubuo ng mga miyembro na sina Kleggy Abaya (vocalist), Rye Sarmiento (guitarist), Bob Cañamo (bass), Berns Cuevas (bass) at Raffy Bonifacio (drummer).

Jpeg

Sa pagbisita ng Banda ni Kleggy, naibahagi nila sa atin ang awiting “Pabili Po,” na mula sa panulat ni Aikee. Ang nasabing awitin ay kasama sa finalist ng PhilPop 2016.

Jpeg

Para sa mga tagahanga ng “Banda ni Kleggy” maaari na nating mapakinggan ang iba’t-ibang awitin tulad ng “Kurakot”, “Pare-pareho” at marami pang ibang awitin sa kanilang bagong album na pinamagatang “Medyo Serious”.

Jpeg

Maraming salamat Banda ni Kleggy sa magandang kwentuhan na hatid niyo sa ating mga KaPinas dito lang iyan sa nag-iisang OPM ng bansa ang Pinas FM 95.5.

(written by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Dex Magno)

You may also like...