Nyoy Volante, may pa-birthday concert

Spread the love

Isa na namang Pinaspecial guest ang ating muling nakasama sa Funbansang Hapon kasama ang ating DJ na si Rapido dito sa Pinas FM, tumatak bilang isang magaling na singer ang ating naging bisita dahil na din sa kaniyang angking talento, siya ay si Nyoy Volante.

 

Dati nang bumisita sa ating Pambansang OPM si Nyoy Volante kaya naman malapit sa puso ng ating mga DJ si Nyoy, at sa pagbabalik bisita niya sa atin, isang magandang balita ang kaniyang hatid sa atin mga ka-Pinas.

Ayon kay Nyoy, marami tayong dapat abangan sa kaniya, bukod kasi sa mga bagong awitin at album, magkakaroon din siya ng pa-birthday concert sa January 25, 2018.

Dagdag pa ni Nyoy, sa kaniyang concert ay magkakaroon siya ng maraming special guest, tulad nila, Yeng Constantino, Jay R, Sitti Navarro, Rey Valera, at Karla Estrada.

Ang nasabing concert ay gaganapin sa January 25, 2018, sa Music Museum.

Para sa updates, maaaring bisitahin ang kaniyang social media account:

Facebook,Twitter & Instagram: @OfficialNyoyVolante

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...