“Noong Pwede Pa Tayo” ni Mike Regalado sa Pinas FM 95.5

00

Isa na namang Filipino singer-songwriter ang nakasama natin sa mga ka-Pinas, siya ay si Michael Rey Rentino Regalado o mas kilala sa pangalan na Mike Regalado.

Nagsimula ang career ni Mike noong siya ay high school pa lamang, matapos niyang makagraduate ng high school ay nagsimula siyang sumulat ng mga awitin na kaniya namang inawit sa isang lugar sa Kalibo, Aklan. Nang makatapos siya ng college ay tumungo siya sa Maynila upang ipagpatuloy ang kaniyang music career.

 

Siya ay unang na-feature sa isang TV show matapos niyang mai-release ang kaniyang unang independent album na “Behind Closed Doors” kasama na din ang kanyang first single na “Sana Isang Araw”.

Nakapag-release din siya ng dalawa pang-independent albums at noong 2011 ay nagpahinga muna siya sa kanyang music career kung saan ay bumalik siya sa Kalibo, Aklan. Dito ay nag-focus siya sa pagigitara at pagpeperform sa mga gig sa Boracay at Kalibo kasama ang kanyang bandang Misto.

Noong 2014, sa kanyang pagbabalik ay sumali sya sa Elements Music Camp kung saan ay nakapasa siya sa live auditions at nakapasok sa Top 60 Campers. Napukaw ng kanyang kantang “Noong Pwede Pa Tayo” ang damdamin ng ilan sa mga mentor at campers ng Elements Music Camp.

Ang bagong album ni Mike Regalado na “Kwento” ay maaari nang madownload sa Spotify, iTunes, Spinnr at Deezer. Para patuloy na maging updated sa kanya ay maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media accounts:

Facebook: @officialmikeregalado
Twitter: @iammikeregalado
Instagram: @mike.regalado

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

 

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube